
Bilang pagdiriwang ng National Women’s Month, nagsagawa ang Department of Migrant Workers (DMW) ng “Mega Job Fair Para sa mga Kababaihan” na nag-alok ng 3,470 job opportunities para sa mga kababaihan na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Sa isang panayam sa nasabing job fair sa Robinson Galleria sa Quezon City nitong Biyernes, binigyang-diin ni DMW Undersecretary Felicitas Bay ang kahalagahan ng naturang event bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kababaihang manggagawa sa bansa.
“Sa ating mga women workers, ikinararangal ng DMW na kami ay kasama ng mga women workers at ito ay isang pagpupugay namin para sa ating mga women workers. We value the importance of women in our society. We have so many women workers outside the country,” saad niya.
Kabilang sa mga trabahong na inalok ay sa sektor ng hospitality, tourism, manufacturing at skilled trades tulad ng factory workers; wellness gaya ng hairdressers, nail technicians, beauty salons; at maritime at shipping industry.
Ipapadala sila sa Saudi Arabia, Qatar, Oman, United Arab Emirates, Hungary at Brunei. “Women are no longer confined to household work. We now have Filipinas working as welders, electronic technicians and even seafarers in international cruise ships,” aniya.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC