
TUMAAS pa ang tiwala ng taumbayan kay Sen. Lito Lapid matapos siyang manatili sa “Magic 12” ng pinakabagong pre-election survey ng OCTA Research para sa 2025 senatorial race.
Batay sa resulta ng OCTA Research survey, naitala ni Lapid ang 43% ratings ng mga botante at nasa ikapitong ranking.
Ang survey isinagawa mula February 22-28, 2025.
Nauna rito, pumatok si Lapid sa top 3 sa isinagawang survey ng Social Weather Station(SWS) sa kahalintulad na buwan.
Nahalal na senador si Lapid noong 2004 at sakaling manalo ay ika-apat na termino na nya ito.
Sa ilalim ng 14th Congress pa lang, Isa si Lapid sa top performing senators dahil sa dami ng mga panukalang batas at resolusyon na inihain niya.
Si Lapid ang may-akda ng isa sa mga makabuluhang batas sa lipunan, ang Free Legal Assistance Act of 2010 na naglalayong tiyakin na ang mahihirap ay mabibigyan ng libreng kalidad na serbisyong legal. Ilan pa sa inakda ni Lapid ang Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act at Adopt-A-Wildlife Species Act.
More Stories
Erwin Tulfo sa mga nag-aala lawyer sa social media: DUTERTE INOSENTE HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYANG GUILTY
MARAMI PANG SISIBAKIN SA BI DAHIL SA PAGTAKAS NG PUGANTENG KOREANO
BASTE KAY MARCOS: PINAKULONG MO NAGPALIBING SA TATAY MO, P***** I** KA!