
Dumalo si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isang pro-Duterte rally sa Maynila nitong Sabado ng gabi, Marso 19.
Nagsalita si Dela Rosa, nakasuot ng green shirt at mababasa ang katagang “Bring Him (Duterte) Home,” sa harap ng libo-libong tagasuporta ni Duterte na nagtipon sa Liwasang Bonifacio upang batikusin ang naging kooperasyon ni Pangulong Marcos Jr. sa Interpol.
“Ano ginawang basis ni Pangulong Marcos? Interpol! Bullshit! Ako, naging PNP (Philippine National Police) chief ako, alam ko ang papel ng Interpol sa mundo! Commitment sa Interpol? Bullshit! Presidente ka ng Pilipinas, magpa-pressure ka sa Interpol? Ha?” ayon sa PNP-chief-turned-senator.
“Ang lumalabas, mas gigil na gigil, mas atat na atat sila kaysa sa Interpol, sa ICC (International Criminal Court). Bakit?…. Sinong sineserbisyuhan niya? Mga dayuhan, hindi ang Filipino people?” dagdag pa nito.
Inaresto si Duterte noong Marso 11, kaugnay sa crimes against humanity sa bisa ng ICC warrant na inisyu ng all-women panel.
More Stories
Xyrus Torres, Nagpakawala ng Tirang Panapos! NLEX Tinodas ang Ginebra, 89-86
BAGONG SANTO PAPA, HAHARAP SA ‘MAHIRAP AT MASALIMUOT’ NA PANAHON SA KASAYSAYAN
HVI tulak, huli sa buy bust sa Valenzuela, P476K shabu, nasamsam