
Isang walang buhay na sanggol na lalaki ang natagpuan sa loob ng basurahan sa ladies’ comfort room sa ground floor ng Manila Doctors Hospital sa Ermita, Maynila.
Ayon sa imbestigador na si PCMS Dennis Suba ng Manila Police District – homicide section, dakong alas-3:20 ng hapon nang matagpuan ang sanggol matapos mapansin ng housekeeping personnel na si Marian Delos Santos ang isang dilaw na plastic habang naglilinis.
Dinala niya ang plastic kay Dann Lawrence Fabian, safety officer ng nasabing ospital, at nang buksan, tumambad sa kanila ang patay na sanggol.
Iniimbestigahan na ng MPD upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng sanggol sa loob ng comfort room.
Samantala, dinala ang sanggol sa punenarya para sa safekeeping. (ARSENIO TAN)
More Stories
Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na
MEKANIKO TINANIMAN NG TINGGA SA ULO
INAWAY NG SYOTA NA ‘TIBO’ DAHIL SA PERA, BEBOT NAGPATIWAKAL