
Hawak na ngayon ng pulisya si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang dumating sa NAIA ngayong araw, matapos maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC).
Sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na natanggap ang arrest warrant ng International Criminal Police Organization (Interpol) Manila mula sa ICC nitong Martes ng madaling araw.
Dakong alas-9:20 ngayong umaga nang dumating si Duterte sa Pilipinas lulan ng Cathay Pacific flight CX 907 galing Hong Kong.
Pagdating ng dating pangulo, iprenesinta ng Prosecutor General ang opisyal na ICC notification na nagpapatunay ng arrest warrant laban kay Duterte, ayon sa PCO.
Nahaharap si Duterte sa crimes against humanity sa ICC dahil sa kanyang madugong war on drugs.
Tiniyak ng PCO sa publiko na nasa maayos na kondisyon ang 79-anyos na si Duterte at agad sinuri ng mga doktor ng gobyerno pagdating nito.
“Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan,” ayon sa PCO.
Gumamit din body camera ang mga tauhan ng Philippine National Police na umaresto kay Duterte upang matiyak ang transparency ng kanilang operasyon, ayon sa PCO.
Una nang sinabi ng gobyerno na hindi sila makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC laban kay Duterte. Gayunpaman, sinabi nito na obligado ang bansa na kumilos dahil may obiligasyon ito sa Interpol.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay