
NASABAT sa dalawang tulak na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay P/Lt Col. Timothy Aniway Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Eddieboy”, 25, at 35-anyos na kasawat nito, na kapwa residente ng lungsod.
Nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA, katuwang ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek matapos matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur buyer na positibo na ang transaksyon dakong alas-4:21 ng madaling araw sa Phase 9C, Package 4, Block 4, Lot 39, Bagong Silang.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot 53 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P360,400 at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek sa City Prosecutor’s Office.
Binati ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang DDEU para sa kanilang hindi natitinag na pangako sa kampanya kontra droga, na nagbibigay-diin na ang walang humpay na paglaban sa ilegal na droga ay nananatiling pangunahing priyoridad sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga komunidad.
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon