
SUMIKLAB ang sunog sa gusaling kinaroroonan ng Century Merchandising Store sa Apolinario Mabini Avenue, Poblacion 4 ng Tanauan City, Batangas bandang 8:55 ng umaga nitong Linggo.
Ayon sa mga Fire Marshall Investigator ng Bureau of Fire Protection ng Tanauan City, nagsimula ang sunog sa ibabang bahagi ng establisimyento na may mga nakaimbak na mga foam at plastic kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa kabuuan ng gusali, kung saan nadamay din ang isang shopping center, appliances center at iba pang mga tindahan tulad ng ukay ukay at mga cell phone stores. Bandang alas-9:00 ng umaga nang iakyat sa ikalawang alarma ang sunog at pasado alas-1:00 ng hapon ay idineklarang fire out na ang sunog.
Tinatayang aabot sa halagang P180,000,000 ang mga paninda at ari-arian ang nilamon ng apoy.
Wala namang napaulat na mga nasaktan o nasawi.
Inaalam pa hanggang sa ngayon ang pinagsimulan ng pagkalat ng apoy sa nangyaring sunog. (Erichh Abrenica)
More Stories
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’
PAGASA: MATINDING INIT SA LUZON, POSIBLENG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA MINDANAO NGAYONG BLACK SATURDAY