
Nakatanggap ang “Hello, Love, Again,” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang Box Office Hit Award sa 2025 Manila International Film Festival sa Los Angeles, California.
Sina GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Valdes at ABS-CBN Films Head Kriz Gazmen ang tumanggap ng award.
“The Alden Richards and Kathryn Bernardo starrer earns this prestigious recognition from the Manila International Film Festival after reaching P1.6B in gross sales,” ayon sa GMA Pictures.
Ang naturang pelikula ay kasalukuyang highest-grossing Filipino film of all time.
Ito ay ang kasunod ng blockbuster film noong 2019 na “Hello, Love, Goodbye.” Ito ay nakasentro sa Canada limang taon pagkatapos mawalay ang mga pangunahing karakter, sina Joy at Ethan, sa Hong Kong.
Mapapanood pa rin ang “Hello, Love, Again” sa Netflix.
More Stories
DepEd binawasan ng 57% ang school forms ng mga guro
MRT-7 mula Trinoma hanggang Sacred Heart, target buksan sa 2027 – DOTr
Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na sa susunod na linggo! Prenup photos, ibinida sa IG