
Dumating sa Villarmor Air Base sa Pasay City nitong Sabado ang mga labi nina Major Jude Salang-Oy at 1st Lieutenant April John Daddula, na nasawi sa jet accident sa Bukidnon nitong nakaraan lamang.
Nakatanggap ang dalawa ng military honors at Distinguished Aviation Cross award mula sa Philippine Air Force at Philippine officials.
Sinabi ni PAF spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo na ang pagkilala na ibinigay sa mga piloto ay ang pinakamataas na aviation-related awards.
Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari sa aksidente. Samantala, pansamantalang hindi pinapayagang lumipad ang iba pang mga FA-50 fighter jets habang gumugulong ang imbestigasyon.
Nawala ang jet na kanilang sinasakyan nang maglunsad ang militar ng airstrikes sa Northern Mindanao noong Martes, Marso 4. Sinabi ng isang kumander ng Philippine Army na ang airstrike ay isinagawa upang suportahan ang mga tropang nakikipaglaban sa New People’s Army sa Bukidnon.
Nang tanungin kung ang fighter jet ay kasangkot sa mga airstrike, sinabi ni Castillo na hindi pa siya makapagbigay ng komento sa bagay na iyon. Hindi rin kinumpirma kanina ni Major General Michele Anayron, kumander ng 4th Infantry Division ng Hukbong Katihan, kung ang mga eroplanong ginamit sa airstrikes ay FA-50 jets.
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon