April 20, 2025

P30-M KAPALIT NG PAGTAKAS NG PUGANTENG KOREANO? (3 BI personnel sinibak)

TINANGGAL na sa serbisyo ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong tauhan nito na tumulong umano sa isang Koreano para makatakas.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ineskortan ng 3 tauhan ng BI ang puganteng Koreano sa isang pagdinig sa Quezon City prosecutors office noong Marso 4.

Matapos ang pagdinig, iniulat na nawawala ang puganteng Koreano matapos magpaalam na pupunta lamang ng restroom.

“After the hearing, kinausap daw po sila ng abogado ng suspek at from there yung fugitive gumamit daw po ng palikuran. Nung gumamit daw po ang palikuran, nakatakas daw po ang fugitive,” ayon kay Sandoval.

Pero sa nakalap na CCTV footage ng ahensiya, makikita ang tatlong immigration personal na umalis sa Quezon City Hall kasama ang puganteng Koreano sakay ng isang van ng BI.

Nakita ring huminto ang van sa Scout Chuatoco Street, kung saan namataan ang Koreano na may dalang bag na hindi nakaposas, nakasuot ng short at sinundan ng 3 Immigration personnel.

Sa isa pang video, makikita ring sumakay ang Koreano sa isang van at umalis.

“Very loose ang supposed pagbabantay sa puganteng ito,” saad ni Sandoval.

Ipinag-utos na ni BI Commissioner Joel Viado ang termination sa dalawang Immigration contractual employees at pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa regular employee.

Ayon sa source ng ABS-CBN News sources, inalok umano ng puganteng Koreano ang tatlong tauhan ng tumataginting na P30 milyon kapalit ng kanyang pagtakas.

“Definitely, posibleng may ganyang motive, pero we are verifying those information,” anang Sandoval.