
SUSUPORTAHAN ng 78 porsiyento ng mga Filipino ang mga kandidato na naniniwala na dapat ipaglaban ng Pilipinas ang karapatan niton laban sa agresibong mga hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Sa naturang survey na isinagawa sa buong bansa noong Pebrero 15 hanggang 19, na kinomisyon ng Stratbase, nakasaad din na 77% ang naniniwala na kailangan palakasin ng gobyerno ng Pilipinas ang alyansa nito sa ibang bansa sa pamamagitan ng joint patrols, joint sails at joint military exercises upang ipaglaban at depensahan ang territorial and economic rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 registered voters (18-anyos pataas) sa buong bansa.
Mayroon itong samling error margins na ±2.31% for national percentages, ±3.27% for Balance Luzon, at ±5.66% sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Sinagot naman ng 22% na kanilang iboboto ang isang kandidato na hindi naniniwala na dapat ipaglaban ng Pilipinas ang karapatan nito laban sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
Sa 77% na sumang-ayon na dapat palakasin ng Pilipinas ang alyansa nito sa ibang mga bansa upang ipaglaban ang mga karapatan nito sa ekonomiya sa WPS, 59% ang matinding sumang-ayon habang 18% ang bahagyang sumang-ayon.
Ang 9% na hindi sumang-ayon ay nahati sa 4% na medyo hindi sumang-ayon at 5% na matinding hindi sumang-ayon.
Undecided naman ang 14 percent.
“During election time, we run surveys month after month to gauge where the Filipino people stand on certain issues. Just a few days back, we spoke of at least eight out of ten Filipinos who would like to support candidates who will stand up for the sovereignty of the Filipino people,” ayon kay Stratbase president Dindo Manhit sa isang forum.
“We wanted to add that during the survey, also 77 percent of Filipinos support strengthening alliances and joint military efforts to defend the Philippines’ territorial and economic rights in the West Philippine Sea. It tells us really where we stand as a nation,” dagdag niya. “We know who our friends are. We know that we might be not as strong as we could be, but our strength is with our friends and allies,” saad ni Manhit.
More Stories
Panata, Panahon, at Pagpapahalaga sa Kulturang Cainta
SARA ‘SURVIVAL MODE’ NA! VP BUMALING NG IHIP SA GITNA NG IMPEACHMENT
SEN. BONG GO, KABADO SA M-POX! PANAWAGAN: MAG-INGAT, HUWAG MAG-PANIC