
SWAK sa kulungan ang dalawang kelot, kabilang ang 19-anyos na estudyante nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis sa Oplan Sita habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nadakip ng kanyang mga tauhan ang 21-anyos na auto mechanic mula sa Bagong Barrio, Caloocan City, at 19-anyos na automotive student mula sa Brgy. Gen. T. De Leon.
Ani Col. Cayaban, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni SS2 Commander P/Capt. Ronald Bautista sa harap ng Gen. T. De Leon National High School nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka.
Sa halip na huminto, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at muntik pang masagasaan ang isa sa mga pulis kaya hinabol sila ng mga ito hanggang sa makorner sa isang dead-end na lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nang kapkapan, nakuha sa estudyante ang isang caliber .9mm Pistol na kargado ng anim na bala sa magazine nito, habang ang motorsiklong gamit nila ay kinumpiska rin bilang bahagi ng imbestigasyon.
Iprinisinta na ang mga suspek sa inquest proceeding sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa isinampang mga kaso laban sa kanila na paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) of the Revised Penal Code at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to BP 881 (Omnibus Election Code)
More Stories
Panata, Panahon, at Pagpapahalaga sa Kulturang Cainta
SARA ‘SURVIVAL MODE’ NA! VP BUMALING NG IHIP SA GITNA NG IMPEACHMENT
SEN. BONG GO, KABADO SA M-POX! PANAWAGAN: MAG-INGAT, HUWAG MAG-PANIC