November 24, 2024

Mga tiwaling opisyal ng PhilHealth, tatalupan ni Duterte!

NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y malawakang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaya inutos na nito ang pagbuo sa multi-agency task force na mag-iimbestiga sa mga umano’y opisyal ng nasabing ahensiya.

Ayon kay Presidential Harry Roque, pamumunuan ng Department of Justice ang bubuuin na task force, kasama ang matataas na opisyal ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the President at Presidntial Anti-Corruption Commission.

Bibigyan ng awtoridad ang naturang task force upang imbestigahan, magsagawa ng lifestyle checks, at magsuspinde ng mga empleyado ng PhilHealth na pinaniniwalaang sangkot sa korapsyon.

“Ang imbestigasyon na ito, kasama na ang preventive suspension. Huwag kayong mag-alala, nakinig po ang Presidente at umakto,” ani ni Roque.

Nitong linggo ay umasad ang imbestigasyon sa pagdinig ng Senado at Kongreso kaugnay sa malawang korapsyon sa naturang ahensiya. Kabilang narito ang Interim Reimbursement Mechanism Funds (IRM) o cash advance ng ibinigay sa mga ospital.

Ang IRM ay layong mabigyan ang healthcare providers ng kinakailangang liquidity para makatugon sa health situations tulad ng COVID-19 pandemic.

Binunyag ng nagbitiw na dating PhilHealth anti-fraud legal officer na si Atty. Thorrsson Montes Keith na halos P15 bilyon ang napunta sa bulsa ng tinawag niyang “mafia” sa ahensiya.

Kinuwestiyon din si PhilHealth President CEO Ricardo Morales para sa pag-aapruba ng overpriced na information at communication technology equipment.