
Inanunsiyo ng Malacañang na bababa sa P45 per kilo ang bigas sa katapusan ng Marso.
Sa press briefing, ipinahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nagkaroon sila ng pagpupulong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel hinggil sa pagpapababa ng presyo ng bigas at baboy.
”Nagkaroon po kami kanina ng meeting with Secretary Laurel dahil aasahan po natin ang pagbaba ng presyo ng bigas. Sa darating po na… by March 31—sa ngayon po, ang presyo ng bigas kada kilo ay pumapalo po sa 49 pesos, pero by March 31 po ay aasahan po natin ang pagbaba nito ng 45 pesos,” ayon kay Castro.
Nang tanungin kaugnay sa dahilan ng pagbaba ng presyo, sinabi ni Castro na ito ay dahil sa world price.
”Sa ngayon po, ang sabi po ni Secretary Laurel ay bumaba po ang world price. Kung nagkakaroon po kasi ng pagtaas talaga ng bigas, ito po ay … ang nagiging basehan, ang one of the factors dito ay iyong world price,” sambit ni Castro.
”Kung noon po ay may halaga po na pumapalo sa 700 to 740 dollars per ton, ngayon po ay bumaba, kung hindi po tayo nagkakamali ay parang bumaba po sa 400 or lesser, or 380 dollars per ton. So, iyon po ay isa sa mga nakikita natin pong dahilan,” dagdag niya.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay