November 24, 2024

Grupo ng IP’s: Anti-Terrorism Act, labag sa batas!

NAGHAIN ng petisyon kontra sa Anti-Terrorism Act of 2020 ang Indigenous Peoples and Moro leaders na kumakatawan sa iba’t ibang komunidad sa buong Pilipinas, kasama ang civil society leaders sa pangunguna ni Dean Antonio Laviña, dating dean ng Ateneo School of Government, sa Korte Suprema. Ang paghahain ay kasabay ng paggunita sa World Indigenous People’

IPINAGSIGAWAN ni Dean Tony La Viña ang kanyang mariing na pagtutol sa Anti-Terror Law.

Kasama niyang nagtungo sa Korte Suprema ang iba’t ibang grupo ng Indigenous People na naghain ng panibagong petisyon laban sa naturang batas.

Sinabi niya na kaisa siya ng grupo mula Cordillera hanggang Mindanao. Kabilang sa naturang grupong ito ay mga Aetas, Blaan, Higainon at iba pang Lumad Muslim leaders at kababaihan.

Aniya na nais ng mga petitioner na maideklarang ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang Anti-Terrorism Law.

Isa sa ipinunto ng grupo ang umano’y maling pagtrato ng gobyerno sa mga IP gaya ng mga Moro, na kapag iginigiit ang kanilang karapatan tulad ng ancestral domain ay inaatake sila.

Umaasa naman ang mga petitioner ng paborableng tugon mula sa Korte Suprema, lalo’t patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga petisyon laban sa Anti-Terrorism Law.

Ang petisyon laban sa naturang batas ay halos umabot na sa mahigit 20.