
Naglabas ng video ang House of Representatives ng video na nagpapaliwanag kung bakit na-impeach si Vice President Sara Duterte noong Pebrero 5.
Ipinost sa Facebook page ng Kamara ang halos 9 minutong video na naglalaman ng mga dahilan kung bakit na-impeach si Duterte, kabilang ang kanyang banta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang mga irregularidad sa paggamit ng P612.5 milyong na confidential funds.
Nang tanungin ang kanyang reaksyon, sinabi ni Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, miyembro ng 11-man House prosecution panel, na, “The Filipino people has the right to be informed of this impeachment proceeding at mas maganda na mai-translate ito doon sa mga lengwahe or dialekto na mas lalong maiintindihan ng ating mga kababayan.”
“It’s one way for us probably also explaining to the people on why we have signed that impeachment complaint. And medyo may mga technicalities kasi… So, may mga technical matters doon na kailangan malaman din po ng taumbayan in a plain and simple language,” dagdag niya.
Na-impeach ng Kamara si Duterte noong Pebrero 5 matapos lagdaan ng 215 mambabatas ang pang-apat na impeachment complaint.
Inimpeach ng Kamara si Duterte noong Pebrero 5 matapos pumirma ng 215 mambabatas sa ikaapat na impeachment complaint. Ipinadala ito sa Senado sa parehong araw.
More Stories
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ