
Inihayag ni Commission on Elections Chairperson George Garcia noong Miyerkules na naobserbahan ng poll body ang pagtaas ng mga kaso ng karahasan na may kaugnayan sa halalan sa Maguindanao at Cotabato City bago ang Eleksyon 2025.
“Sa Maguindanao and Cotabato City,” saad ni Garcia sa Kapihan sa Manila Bay nang tanungin tungkol sa mga lugar kung saan naitala ang pagtaas ng mga kaso ng election-related violence.
Ayon kay Garcia, ilang insidente ng krimen na may kaugnayan sa darating na botohan ang naiulat sa ilang lugar sa bansa simula noong Pebrero 11, isang araw bago ang 90-day campaign period para sa national candidates noong Pebrero 12. Gayunpaman, sinabi niya na ang mga kaso ng karahasan na may kaugnayan sa halalan ngayong taon ay nananatiling pinakamababa mula noong 2013.
“Ang 2025 so far ang pinakamababa pa simula 2013, 2016, 2019, 2022. Mababa pa ito. Ang sinasabi ko lang na pag-spike ‘yung pagpasok ng February 11, biglang may krimen tapos ang biktima kalimitan politiko,” saad ni Garcia.
Ang dapat nating tinitingnan ay sa buong bansa. Hindi pong ganun ang pagtaas, dun lang sa bandang area ng Bangsamoro, napansin natin na may pagtaas,” dagdag niya.
Si Datu Piang, Maguindanao del Sur Vice Mayor Datu Omar Samama, na tatatakbo muli bilang alkalde sa Mayo 2025 elections, ay nasugatan nang barilin habang nagbibigay ng kanyang talumpati nitong nakaraan lamang.
Dinala siya sa ospital na ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling.
Isa lamang ito sa election-related violence sa bansa ngayon, ayon kay Garcia.
Sinabi niya na natapos na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang paunang imbestigasyon sa kaso at tinitingnan na ang mga posibleng suspek sa likod ng insidente ng pamamaril.
“Wala pong duda, election-related violence yan,” dagdag niya.
Samantala, muling iginiit ni Garcia na mas maraming lugar ang maaaring ilagay sa “red” category of areas of concern habang papalapit ang Election Day.
“May mga napansin tayo na nasa orange category areas na bigla nagkaroon ng spike of violence. Hindi naman mataas kaya lang mukhang kinakailangan yung aming security forces mas damihan namin sa areas na yan,” dagdag niya.
More Stories
IRR NG CREATE MORE NILAGDAAN NA
Gatchalian hinimok ang pagbibigay ng mas magandang access para sa mga PWD sa pampublikong transportasyon
Johnny Wellem Carzano numero uno sa MisOcc active open chess tilt