
Kinasuhan kahapon ng dating barangay kagawad official na si Elaine Manalang Bautista, kasama ang ilang concerned citizen at kanilang legal counsel, si Caloocan City 2nd District Rep. Mary Mitzi Cajayon –Uy kaugnay sa personal nitong pamamahagi ng ayuda na dapat ay ginagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman sa Quezon City, sinabi ni Bautista na nilabag ni Cajayon-Uy ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y panunuhol, maling paggamit ng pondo ng gobyerno at hindi tamang pakikilahok sa pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.
Nag-ugat ang reklamo laban kay Cajayon-Uy nang ilang beses nitong ipangalandakan nang live sa kanyang Facebook page na nireregaluhan at inilalabas niya ang mga taga-DSWD upang unahin ilabas ang kanilang payout sa ayuda na isa umanong paglabag sa ethical at legal standards for public officials.
“Yung halimbawa, ‘yung nilabas ko yung mga higher official nagreregalo ako…nagbubunga yun. Kasi tayo ‘yung inuuna nila sa payout,” bahagi ng pahayag ni Cajayon-Uy sa video na narekord noong Enero 22, 2025.
Giit ng mga complainant, hindi na ito bahagi ng trabaho ng isang mambabatas dahil tungkulin ito ng DSWD.
Dahil dito, hiniling nina Bautista sa Ombudsman na imbestigahan ang ginawa ni Cajayon-Uy, na anila’y malinaw na paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019.
Larawan mula sa Philstar.com
More Stories
CONVOY NG PNP CHIEF, SINITA DAHIL SA PAGGAMIT NG EDSA BUSWAY
IKA-39 ANIBERSARYO NG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, GINUNITA
Mga gadgets sa opisina tinangay ng part-time worker sa Valenzuela