
Nakulong sa loob ng ilang oras ang aktor na si Baron Geisler sa Cebu, matapos siyang mahuli ng mga awtoridad matapos magwala dahil sa kalasingan.
Ayon kay Mandaue City Police Office Spokesperson Police LtCol. Mercy Villaro, kasamang uminom ng aktor ang ilang miyembro ng pamilya at kaibigan nang makatanggap ng tawag ang local police hinggil sa isang insidente na kinasasangkutan ni Geisler.
“Our Canduman Police Station received a call na nagwawala siya,” ani said Villaro.
Inaresto siya ng police officer na dumating sa area.
Dinala si Geisler sa kustodiya ng pulisya dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 11-2008-434 o paglalasing.
Idinagdag ni Villaro na nagkasundo ang magkabilang panig at pinalaya si Geisler bandang alas-6 ng gabi.
“He paid a fine of P500,” dagdag ni Villaro.
Sa kanyang post sa Facebook noong Lunes, Pebrero 24, sa wakas ay nagbigay ng pahayag si Geisler, sinabing ayos siya at humahanap ng legal na payo. Gayunpaman, hindi sinabi ng aktor kung anong isyu ang tinutukoy niya.
More Stories
Construction worker na nanloob sa bahay ng birthday celebrant sa Antipolo, kalaboso
MAYOR ISKO: PATULOY ANG ‘PALILIGO’ NG MGA KALSADA SA MAYNILA; CURFEW SA MINOR IPATUTUPAD
Mega Job Fair