
Tinawag na fake news ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara si Pangulong Bongbong Marcos ng martial law para manatili sa puwesto at tiyaking ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
“Yung pagdeklara ng martial law, fake news ulit. Hello, fake news, Mr. Fake News. ‘Wag naman puro fake news na lang lumalabas sa bunganga nyo, palitan nyo naman,” saad ni Ortega.
Samantala sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi dapat pansinin ang pahayag ni Duterte.
“The former president is….. entitled naman to have his own opinion. Lahat naman tayo may sariling interpretasyon sa lahat ng bagay. Of course, you cannot discount the fact that the Vice President is his daughter. So talagang sasabihin niya ‘yung whatever is possible reason that he may think behind itong impeachment,” ayon kay Adiong.
“But the impeachment, if you go to the merits of the case, 215 complainants – members of this House – said that the VP deserves a day in court,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Adiong na ang kaso ng impeachment ay konektado sa diumano’y maling paggamit ng P612.5 milyon ng Vice President sa confidential fund at public threats laban kay Pangulong Marcos.
“And yung mga kaso naman nya, it’s not really connected to her partisanship or which party she belongs to. These are brought about by the allegations and violation of the joint circular when it comes to the utilization of the confidential fund,” punto ni Adiong.
Hinimok ni Adiong ang publiko na magpokus sa totoong isyu imbes na
Hinimok ni Adiong ang publiko na magpokus sa mga tunay na isyu sa halip na maligaw ng landas ng mga politikal na naratibo na naglalayong ilihis ang atensyon mula sa kasalukuyang kaso.
“So, we should not divert from those real issues at hand. ‘Yun ang focus ng impeachment na ito,” aniya. Binanggit din niya na hindi dapat paghaluin ang pulitika ng halalan sa pananagutan sa konstitusyon.
More Stories
76-ANYOS NA AMERIKANO NA ILANG LINGGONG TUMIRA SA NAIA, NAKALIPAD NA PATUNGONG THAILAND
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)
P5-M ILL-GOTTEN WEALTH CASE NG MGA MARCOS IBINASURA