
IPINAKULONG ng kanyang live-in partner ang isang e-trike driver matapos siyang saktan at kagatin sa mukha nang magalit ito sa kanya sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, mahaharap ang suspek na si alyas “Erwin”, 37, sa kasong Slight Physical Injury in Relation to RA 9262 (VAWC).
Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si alyas “Mari”, 37, dakong alas-09:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa Barangay. Tugatog, makaraang magalit umano ang suspek nang lumabas siya ng bahay at umiiyak ang kanilang anak.
Bigla na lamang umanong hinila ng suspek sa buhok ang biktima saka kinagat siya nito sa kaliwang pisngi na naging dahilan upang magtamo ng mga sugat ang ginang.
Nagtungo ang biktima sa Jose R Reyes Memorial Medical Center para sa kanyang medico-ligal bago inireport sa Malabon Police Sub-Station 2 ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Larawan mula sa shutterstock.com
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon