November 23, 2024

COVID-19 sa ‘Pinas, 119,460 na!

INANUNSIYO ng Department of Health na umakyat na sa 119,460 ang kabuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, 3,561 ang bagong napaulat na kaso base sa nakuhang mga datos mula sa 89 out of 98 licensed laboratories bansa.

Sa iniulat na karagdang mga kaso ngayong Agosto 6,  2,740 o 77% rito ang nangyari sa loob ng 14-days mula Hulyo 24 hanggang Agosto 6.

Ang top regions na may mataas na kaso nitong nagdaang mga araw  ay ang NCR na may 1,480 o 54 %; Region 4A, 435 o 16%; Region 7 ,218 o 8%.

Dagdag pa nito na 566 ang gumaling kung saan umabot na sa 66,837 ang bilang ng nakarekober.

Samantala, 28 naman ang nasawi pa sa virus dahilan para umakyat na sa 2,150 ang total COVID-19 related deaths.

Sa nasabing karagdagang 28 deaths, 10 o 36% ang nangyari noong Agosto; 16 o 57% noong Hulyo; 1 o 4% noong Hunyo at 1 o 4% noong Mayo.

Mula naman sa NCR ang 11 o 39% deaths, Region 7 na may 9 o 32% ; Region 11,2 o 7%; Region 9, 2o 7 %; Region 4A, 1 o 4%; Region 6, 1o 4%; Region 10, 1 o 4% at isa o 4% mula sa hindi natukoy na rehiyon.

Mayroon naman 81 duplicates na kailangang alisin sa total case counts.

Sa bilang na ito, dalawang recovered cases ang inalis bukod pa sa isang kaso na naiulat na namatay na na-validate na nakarekober at naipabilang na sa mga gumaling sa sakit.