
Bilang tugon sa nakababahalang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa, agad gumawa ng mahigpit na hakbang ang Bureau of Corrections (BuCor) upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bilanggo at mga kawani nito.
Ito’y matapos aprubahan ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang rekomendasyong inilabas ni CT/CSupt. Ma. Cecilia Villanueva. OIC-Deputy Director General for Reformation at Director for Health and Welfare Services.
Sa ilalim ng kaniyang patnubay, ang mga Chiefs of Health Service mula sa iba’t ibang pasilidad ay itinalaga na ngayon upang masusing bantayan ang anumang mga palatandaan ng dengue, ipatupad ang mga pag-iingat, at matiyak na ang mga kumpirmadong kaso ay agarang ireport sa mga lokal na awtoridad.
Ang pag-uulat ng mga kaso ng dengue sa loob ng 24 oras ay isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang mga pagsisikap sa pagtugon sa mga kaso ng dengue at upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
“Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga hakbang na pang-iingat na ito, masisiguro natin na ang mga pasilidad at lugar ng trabaho ay ligtas at malusog para sa lahat,” wika ni Catapang.
More Stories
DTI itinurnover ang P30-M improved farm-to-market road sa Lanao del Norte
BABAENG SOUTH KOREAN NA WANTED SA RENTAL SCAM NADAKMA
iFWDPH program naglalayong matulungan ang mga OFW na magkaroon ng mga negosyo na nakabase sa teknolohiya