
BINIGYANG-DIIN ni Finance Secretary and Fiscal Incentives Review Board (FIRB) Chair Ralph Recto na ang pinakahihintay na paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act ay isang malinaw na mensahe sa mundo na seryoso ang Pilipinas sa negosyo.
“[W]e are ready to compete. We are a dependable economic ally. We offer stability amid uncertainty. And yes—we are Trump 2.0-ready,” aniya sa kanyang opening remarks sa signing ceremony nitong Pebrero 17, 2025.
Ang CREATE MORE Act ay isang batas na naipasa noong Nobyembre 8, 2024, na naglalayong magbigay ng mga insentibong pang-buwis na makakapag-attract ng mga investor, magpapalago sa ekonomiya ng bansa at gawing mas competitive ang Pilipinas sa buong mundo.
Ang IRR, na nilagdaan nina Secretary Recto at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary at FIRB Co-Chair Ma. Cristina Aldeguer-Roque, ay nagbibigay-linaw at pinahusay ang probisyon ng CREATE More Act upang masiguro na ito ay maipapatupad ng maayos at mabisa.
Kabilang dito ang pagbibigay ng malinaw na gabay sa pre-CREATE registered business enterprises (RBEs) upang masiguro na sila ay makakakuha pa rin ng tax incentives. Samantala, ang mga RBE sa ilalim ng CREATE Act ay maaaring makinabang ng karagdagang mga insentibo o hakbang sa ilalim ng CREATE MORE Act.
Direkta rin nitong tinutugunan ang mga concern ng mga investor hinggil sa pag-isyu ng value-added tax (VAT) zero-rating certificate sa pamamagitan ng pagbibigay ng detalyadong guidelines sa eligibility at compliance criteria at paglilinaw sa covered period ng certificate.
Bilang karagdagan sa pagpapahusay ng mga insentibo, pinananatili ng CREATE MORE IRR ang pagiging maingat sa pananalapi sa pamamahala ng mga insentibong buwis. Ang FIRB ay inatasang magsagawa ng mga pagsusuri ng epekto upang gabayan ang Pangulo sa pagpapasya sa pagbibigay ng fiscal at non-fiscal incentives para sa mga proyektong lubos na kanais-nais upang matukoy kung ang mga benepisyo ay mas higit pa kaysa sa mga gastos ng mga insentibo.
Dumalo sa nasabing signing ceremony sina Senator Sherwin T. Gatchalian; at FIRB Board Members Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick D. Go at National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan.
Present din ang mga pangunahing opisyal mula sa iba’t ibang investment promotion agencies (IPAs).
More Stories
Gatchalian hinimok ang pagbibigay ng mas magandang access para sa mga PWD sa pampublikong transportasyon
Johnny Wellem Carzano numero uno sa MisOcc active open chess tilt
EROPLANO AT MILITARY CHOPPER NAGSALPUKAN SA ERE SA WASHINGTON (Pinoy na pulis kabilang sa mga nasawi)