![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-69.png)
Nagalit si Sen. Bato Dela Rosa sa mga kritiko dahil sa patuloy na pag-atake sa kanilang grupo sa kabila ng kanilang pananahimik.
“Wala nang ginawa kundi puro pa tira nang tira sa atin. Wala na nga kaming— tahimik nga kami, we were giving you the moment… pero bakit tayo tinitira? Ibig bang sabihin takot sila sa atin, ha?” ayon kay Dela Rosa sa ginanap na proclamation rally ng mga Duterte candidates nitong Pebrero 13.
Iginiit ng senador na kung talagang walang halaga ang kanilang grupo, hindi sila magiging target ng kritisismo,
Nainis din siya sa mga pahayag na inihahambing ang kanilang team sa mga nagtitinda ng suka.
“In fairness sa lahat ng mahihirap na lumaki, nagbebenta ng suka na kagaya ko, napakasakit po pakinggan na kami daw—’yung team namin sa PDP—ay parang nagbebenta lang daw ng suka tapos binigyan ng COC?” aniya.
Ipinagtanggol din ni Dela Rosa ang kanyang naging papel sa anti-drug campaign ng gobyerno at sinabing hindi siya nagsisi kung nabahiran ang kanyang kamay ng dugo ng mga kriminal.
“Kung ‘yung aking mga kamay ay may bahid ng dugo, hindi ko po ‘yan ikinakahiya—kung ‘yung aking mga kamay ngayon ay may bahid ng dugo, dugo ng mga masasamang tao.”
“Kung kinakailangang madumihan ng dugo ng masamang tao ang aking kamay para maprotektahan ang buhay ng mga matitino, mababait,at mga law-abiding citizens, gagawin ko po ‘yan. Itaga niyo sa bato—gagawin ko ‘yan,” dagdag pa niya.
Ang naturang pahayag ni Dela Rosa ay matapos pasaringan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang kandidato sa ginanap na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas proclamation rally noong Martes, Pebrero 11.
“Nagtataka nga ako parang ‘yung mga iba na naging kandidato eh nag-deliver lang yata ng suka eh nabigyan na ng certificate of candidacy dahil walang ikukumpara sa ating mga kandidato,” ayon kay Marcos.
Binigyang-diin din ng Pangulo na wala sa kanyang mga pambato sa pagkasenador ang may bahaid ng dugo sa mga kamay dahil sa “Tokhang.”
More Stories
Vince Dizon bagong DOTR secretary
7 US sex offenders napigilang makapasok ng bansa
KOREAN ‘BAE’ NAARESTO NG BI