![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-67.png)
Pitong Amerikano na may mga kasong nauugnay sa sexual offense ang napigilan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa Pilipinas noong Enero.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na anim sa mga pasahero ang hindi pinayagang makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang isa ang naharang sa Mactan airport sa Cebu.
“They were denied entry by our immigration officers upon discovering that they are among the thousands of registered sex offenders (RSOs) who are in our database,” said Viado.
Idinagdag niya na ang mga dayuhan ay pinigilan alinsunod sa isang probisyon sa immigration act na nagbabawal sa pagpasok ng mga banyagang nahatulan ng mga krimen na may kinalaman sa moral na kabuktutan. Ayon kay Ferdinand Tendenilla, pinuno ng BI border control and intelligence unit (BCIU), ang lahat ng pitong Amerikano ay ipinabalik sa kanilang pinagmulan isang araw matapos silang maharang.
Ang pagpapatalsik sa mga dayuhang ito ay bahagi ng ShieldKids Program ng BI, isang inisyatiba na dinisenyo upang protektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso at pagsasamantala ng mga dayuhang predators.
More Stories
Dela Rosa nainis matapos ihambing ang mga pambato ng PDP sa tindero ng suka
Vince Dizon bagong DOTR secretary
KOREAN ‘BAE’ NAARESTO NG BI