![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/IMG_1670.jpg)
Aabot sa 180 puganteng dayuhan na wanted sa iba’t ibang kriment sa kanilang bansa ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) noong 2024.
Ayon sa report mula kay BI Fugitive Search Unit (BI-FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy, ang mga puganteng banyaga ay nahuli sa mga operasyon na isinagawa ng mga operatiba sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan nanatili ang mga nasabing dayuhan habang nagtatago sa Pilipinas.
“Nearly all of them were already deported to their countries of origin where they are currently serving time in prison after being convicted for crimes they committed,” saad ni BI-FSU chief Sy.
Nabatid na ang bilang ng mga naarestong pugante noong nakaraang taon ay mas marami sa 128 na mga kriminal na nadakip noong 2023 at ayon kay Sy, walang tigil ang pinalakas na kampanya ng BI na tugisin ang mga wanted na foreign criminals na nagtatago sa ating bansa uapang makaiwas sa pag-uusig para sa kanilang nagawang mga krimen.
Kabilang sa mga naaresto ay ang anim na Japanese members ng notoryus na “Luffy” gang – Takayuki Kagashima, Sawada Masaya, Ueda Koji, Sjuzuki Seiji, Kiyohara Jun, Nagaura Hiroki – na wanted dahil sa pagkakasangkot sa scams, extortion at fraud activities.
Kabilang din sa mga high profile na naaresto ay ang Australian na si Gregor Johann Haas at ang Serbian na si Predrag Mirkovic, na wanted sa illegal drugs. Nadakip din ang Indian-Nepalese na si Joginder Geong dahil sa mga kasong murder at robbery.
Ayon sa FSU, 74 Korean nationals ang bumubuo sa malaking bahagi ng mga inarestong dayuhan, sinundan ng 62 Chinese nationals, 12 Taiwanese, 11 Japanese, pitong Americans, dalawang Italians, at dalawang Australians. Kasama rin sa listahan ang isang Britonm isang Canadian, isang German, isang Indian, isang Indonesian, isang Jordanian, isang Kyrgystani, isang Liberian, isang Nigerian at isang Serbian.
Kabilang sa mga krimeng nagawa ng mga dayuhan ay ang economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery at narcotics trading.
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Kampanya ng mga kandidato magsisimula na
2 PINAY NAPIGILAN NG BI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG DOKUMENTO