![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-49.png)
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 43-anyos na mister na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos matunton ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police Chief P/Col Edcille Canals, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusado na si alyas ‘Rudy’ na nakatala bilang Top 5 Most Wanted Person sa lungsod.
Bumuo ng team si Col. Canals mula sa pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Llano Police Sub-Station para sa isasagawang pagtugis sa akusado.
Dakong alas-12:30 ng hating gabi nang matunton ang akusado ng pinagsamang mga operatiba sa joint manhunt operation sa NPC Road, Brgy., 165, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Si alyas Rudy ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Rosalia I. Hipolito-Bunagan, ng RTC Branch 123, Caloocan City, para sa kasong Rape noong January 20, 2025, na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang pangako at tiyaga ng mga operational team sa pag-target sa mga high-profile na indibidwal na nauugnay sa marahas na krimen.
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Kampanya ng mga kandidato magsisimula na
2 PINAY NAPIGILAN NG BI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG DOKUMENTO