![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-37.png)
Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na hindi mamadaliin ng Senado ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Escudero sa isang pagtitipon ng Jesus is Lord na haharapin ng Senado ang paglilitis nang may katapangan at katarungan.
“Hindi po namin trabaho iconvict siya. Hindi po namin trabahong i-acquit siya. Trabaho po namin, tiyakin na magagawa ang hustisya. Trabaho po namin na maging credible at kapanipaniwala at paniniwalaan ng sambayanan ang kongreso,” ayon kay Escudero.
Gayunpaman, ang Senado ay hindi maaaring mag-ugnay sa isyu hanggang sa muling magbukas ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2.
“Itinalaga talaga ang prosesong ito para panagutin ang ating mga opisyal. Walang ibang batay at layunin ito. Marapat, ngayon na nasimulan na ito, ay ito ay matapos… Matapos ng hindi minamadali, matapos ng walang labis… Ako po ay walang takot sa ganitong uri ng hamon,” ayon kay Escudero
More Stories
Camille Villar: Pangalan ng pamilya, ‘di dapat gawing isyu sa pagtakbo sa Senado
MGA PAMILYANG NASUNUGAN SA TAYTAY, INAYUDAHAN NI DATING MAYOR JORIC GACULA
Perya-sugalan sa Tikling, Taytay, Rizal aprobado ba ni Mayor Allan de Leon?