![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-35.png)
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos itawag sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa langsangan na dahilan upang magdulot ng pangmba sa mga residente sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas ‘Imaw’, 25, ng NBBS Proper na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to the Omnibus Election Code.
Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap ng ulat ang Station Tactical Operations Center (STOC) sa pamamagitan ng ‘TXT JRT’ hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala may bitbit na baril sa vicinity ng Youngs Town, R-10, Brgy. NBBS Proper na dahilan upang magdulot ng takot sa mga residente sa lugar.
Agad itinawag ng STOC sa Kaunlaran Police Substation 4 na siyang nakakasakop sa lugar ang naturang ulat kaya mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng SS4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Wala rin naipakita ang suspek ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nakuha sa kanya na isang caliber .22 revolver na kargado ng isang bala kaya binitbit siya ng pulisya sa selda.
Pinuri naman ni P/COL Josefino Ligan, Acting District Director of Northern Police District, ang Navotas City Police Station para sa kanilang maagap na pagtugon at hindi natitinag na pangako sa kaligtasan ng publiko.
More Stories
Perya-sugalan sa Tikling, Taytay, Rizal aprobado ba ni Mayor Allan de Leon?
Phase 1C multipurpose building, bunuksan na
3 wanted persons, arestado sa Malabon