February 8, 2025

32% Pinoy gumanda ang buhay, 43% ang nagsabing walang nagbago – survey

Lumalabas sa pinakabagong survey ng Stratbase at Social Weather Stations (SWS) na 32 porsiyento ng Filipino ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay kumpara sa nakalipas na 12 na buwan, habang 25 percent ang nagsabing na ito’y lumala.

Nakakuha ng “net gainers” na iskor na +7 mula sa porsyento ng mga nagkaroon ng pagpapabuti sa kanilang buhay (gainers) at ang porsyento ng mga nagkaroon ng paghina sa kanilang kalagayan (losers).

Samantala, 43% ng mga respondent ang nagsabing hindi nagbago ang kalidad ng kanilang buhay.

Ang Net Gainers na iskor na +7 mula sa survey noong Enero 2025 ay itinuturing na mataas, ngunit 11 puntos na mas mababa kumpara sa napakataas na +18 noong Disyembre 2019, bago ang pandemya ng COVID-19.

Gayunpaman, ito ay 6 puntos na mas mababa kaysa sa “napakataas” na +13 noong Disyembre 2024 at Setyembre 2024, at halos katulad ng mataas na +5 noong Marso 2024 at Disyembre 2023.

Binanggit ng SWS na ang Net Gainers na iskor ay karaniwang negatibo hanggang 2015, nang ito ay tumaas sa positibong numero, ngunit nagsimula itong bumagsak simula ng lockdowns dulot ng pandemya ng COVID-19.

Ang pagsusuri ukol sa kalidad ng buhay ay isinagawa ng 156 beses mula pa noong Abril 1983.

Ang Stratbase-SWS Enero 2025 Pre-Election Survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face na panayam sa 1,800 rehistradong botante.