May resbak si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña sa naging banta ni Sen. Bato dela Rosa na sasapakin ang naturang kongresista.
“Mhie, sasapakin daw ako ng isang senador? Ang ‘tapang’ naman ni koya. Sana ganyan din siya katapang laban sa China sa WPS at sa pagharap sa ICC. O baka naman iiyak na naman siya ng crocodile tears at kakaripas ng takbo, gaya ng pagtakbo niya noon sa hawak niyang paputok?” saad ni Cendaña.
Matatandaan na pinagbantaan ni Dela Rosa na sasapakin si Cendaña matapos batikusin ng huli si Vice President Sara Duterte dahil sa naging pahayag nito na mas masakit sa iniwan ng partner ang ma-impeach.
Kinondena rin ML Partylist first nominee and former Sen. Leila de Lima ang naging pahayag ni Dela Rosa laban kay Cendaña na tinawag na offensive at unacceptable.
“Nakakagalit at hindi katanggap-tanggap ang sinabi ni Sen. Bato dela Rosa laban kay Cong. Perci Cendaña. Hindi ito biro—tahasang pambabastos ito, lalo na sa isang taong buong tapang na humarap at nalampasan ang matinding hamon sa kanyang kalusugan,” ayon kay De Lima.
“Higit pa rito, insulto ito hindi lang kay Cong. Perci kundi sa mismong posisyon nila bilang mga halal na opisyal. Ang isang senador na nagsusulong ng karahasan, kahit sa biro, ay hindi naaayon sa tungkuling dapat niyang ginagampanan,” dagdag niya.
More Stories
Perya-sugalan sa Tikling, Taytay, Rizal aprobado ba ni Mayor Allan de Leon?
Phase 1C multipurpose building, bunuksan na
Kelot na may bitbit na baril habang gumagala sa Navotas, timbog