February 6, 2025

MAAN TEODORO HINDI IBOBOTO NG DUTERTE SUPPORTERS? ARAYKUPO!

POSIBLE raw na walang suportang makuha mula sa Duterte supporters si Marikina 1st District Maan Teodoro sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng nasabing siyudad.

Ang dahilan…

Ito’y matapos paboran ng naturang kongresista ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte. Araykupo!

Ayon sa Duterte supporters, masama daw ang kanilang loob matapos matuklasan na kasama ang pangalan ni Teodoro sa 215 kongresista na pumirma pabor sa impeachment complaints laban kay VP Duterte.

Ang hakbang na ito ay naglalayong panagutin ang Bise Presidente sa iba’t ibang kontrobersyang kinakaharap nito, partikular na ang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Ang pagpirma ni Teodoro sa impeachment ay inaasahang lilikha ng matinding epekto sa politika ng Marikina, lalo na sa nalalapit na halalan sa 2025, dahil maaaring mawala ang tiwala sa kaniya ng mga Duterte supporters—isang bagay na maaaring makapagpabago sa kanyang tsansang mahalal.

Pilit talaga nilang isinusulong ang impeachment laban kay VP Sara kahit na sinabi ni Marcos na “aksaya lamang ito sa oras”.

“This is not important. This does not make a difference to even one single Filipino life. So why waste time on it,” aniya.

Ano naman kaya ang reaksyon ng Iglesia ni Cristo (INC) sa impeachment ni VP Sara?

Mukhang marami-raming politiko ang hindi dadalhin ng Kapatiran sa Mayo 2025? Abangan…

________________________________________

Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa [email protected]