February 7, 2025

BAGONG MUNICIPAL BUILDING AT POLICE STATION SA PORAC, BINUKSAN

MAY bago ng tahanan ang munisipyo ng Porac, Pampanga matapos pasinayaan ni Senador Lito Lapid ang bagong municipal building at police station sa Barangay Cangatba nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba, pinondohan ni Lapid ang poryekto na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inihayag ni Lapid na ang nasabing proyekto ay isang malaking achievement ng mga Poraqueño dahil simbolo anya ito ng katatagan, katahimikan, kaayusan at kaunlaran ng kanilang bayan.

Naniniwala si Lapid na ang bagong munisipyo at police station ay magbibigay ng magandang imahe sa Porac.

“Pangarap ko na gawing isang maunlad na lungsod ang Porac na  nabaon sa lahar sa loob ng higit 3 dekada mula sa bulkang Pinatubo na pumutok noon 1991. Hangad ko na maaalala ng ating susunod na henerasyon ang legacy projects na ating pinatatayo hindi lang sa Pampanga kundi sa buong bansa,” ani Lapid

Sa datos ng Philippines Statistic Authority (PSA), itinuturing nang first class municipality ang Porac.

Todo pasalamat naman kay Sen Lapid sina Pampanga Gov. Dennis Pineda, Vice-Governor Lilia Pineda, Acting Mayor Myla Clarete, mga kawani at mga kapulisan sa kanilang bagong tahanan.