
Hugas-kamay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
“The executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment,” ayon kay Marcos.
Sa House plenary session nitong Miyerkules, 215 sa 306 kongresista ang sumuporta sa 4th impeachment complaint laban kay VP Sara.
Kabilang sa ground ng impeachment ang conspiracy to assassinate President Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza at Speaker Romualdez; malversation of P612.5-M confidential funds; bribery and corruption in DepEd; extra judicial killings; betrayal of pubic trust at large scale corruption.
Dahil dito, hawak na ng Senado ang bola para idetermina ang pagtatanggal sa puwesto laban sa Bise Presidente. Wala pang nakatakdang petsa kung kailan isasagawa ang Senate trial.
More Stories
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS