![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-15.png)
Posibleng walang suportang makuha mula sa Duterte supporters si Marikina 1st District Maan Teodoro sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng nasabing siyudad matapos paboran ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa ulat, sumama ang loob ng mga Duterte supporters matapos nilang matuklasan na kasama si Teodoro sa 153 kongresistang pumirma pabor sa impeachment complaints laban kay VP Duterte.
Ang hakbang na ito ay naglalayong panagutin ang Bise Presidente sa iba’t ibang kontrobersyang kinakaharap nito, partikular na ang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Ang pagpirma ni Teodoro sa impeachment ay inaasahang lilikha ng matinding epekto sa politika ng Marikina, lalo na sa nalalapit na halalan sa 2025, dahil maaaring mawala ang tiwala sa kaniya ng mga Duterte supporters—isang bagay na maaaring makapagpabago sa kanyang tsansang mahalal.
Sa kabila nito, tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang impeachment complaint bandang 4:30 ng hapon at tiniyak na tutuparin ng Kamara ang kanilang tungkulin kaugnay nito.
Ito’y matapos unang mapaulat na nagpadala umano ng mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga kaalyado sa mababang kapulungan upang pigilan ang impeachment laban kay VP Duterte.
Matatandaan na una na ring sinabi ni Marcos. na ang impeachment move ay isang “aksaya ng oras.”
“This is not important. This does not make a difference to even one single Filipino life. So why waste time on it,” aniya.
More Stories
PHILHEALTH FUND TRANSFER TATALAKAYIN NA SA SC
Korte tinanggihan ang piyansa ng Bukidnon mayor sa kasong panggagahasa
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48