Tinanggihan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 sa Malaybalay City ang hirit ni Pangantucan Mayor Miguel Silva Jr. para sa piyansa.
Nahaharap ang naturang alkalde sa kasong statutory rape.
Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Col. Jovit Culaway, director ng Bukidnon Provincial Police Office (BukPPO), na ang warrant of arrest, na may lagda ni RTC Branch 9 Judge Ma. Theresa Camannong, ay naglalaman ng rekomendasyon na walang piyansa para sa kasong panggagahasa laban kay Silva.
Nadakip ang 59-anyos na alkalde noong Linggo ng gabi sa Compotela Valley ng Davao de Oro police at BukPPO. Nahaharap din siya sa dalawang counts ng sexual assault, na may piyansa na P100,000.
“We have been monitoring him for over a month. Although he previously stated in media interviews that he would surrender, he never did,” ayon kay Culaway.
Ayon kay Police Regional Office-Northern Mindanao Director Brig. Gen. Jaysen de Guzman na ipapatupad nila ang batas, kahit ano pa man ang katayuan o posisyon ng isang indibidwal.
“This operation was the result of months of intelligence gathering and careful planning by regional and local police forces,” saad niya.
More Stories
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48
PNP itinanggi ang tangkang pagpatay sa Magsasaka Party-List nominee
Agri chief nagdeklara ng food security emergency sa bigas