Sa mahigit 60 kandidato na tumatakbo para sa 2025 senatorial election, 12 bets ang lumahok sa senatorial-face off ng GMA Network nitong Sabado, Pebrero 1, upang ibahagi ang kanilang plataporma at posisyon pagdating sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ngayon ng Pilipinas.
Tanging ang reelectionist na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang humarap sa senatorial-face off at ang ilang bahagi ng Social Weather Stations’ “Magic 12.”
Higit 30 top senatorial candidates lamang – base sa Pulse Asia at SWS survey mula Disyembre 2024 – ang imbitado na lumahok sa event.
Bukod sa dating national police na naging senador, kabilang din sa mga lumahok ay sina; Atty. Ernesto Arellano; Abogado at singer na si Jimmy Bondoc; dating mambabatas na si Teddy Casiño; ACT Teachers Representative France Castro; Labor leader Leody de Guzman; Lawyer, labor leader Luke Espiritu; Valenzuela City 2nd District Representative Eric Martinez; dating audit commissioner Heidi Mendoza; Retired colonel Ariel Querubin; Kilusang Magbubukid ng Pilipinas head Danilo Ramos; at dating executive secretary Vic Rodriguez.
Sa nasabing face-off, tinananong ang mga senatorial bet kaugnay sa kanilang career o personal na buhay. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na harapin ang isa’t isa at pinagdebatehan ang topic na kanilang hindi sinasang-ayunan.
Sa isyu ng International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa mga patayan sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang ang mga namatay sa ilalim ng Davao Death Squad at drug war, ibinahagi nina Dela Rosa at Casiño ang kanilang pananaw ukol sa usaping ito.
“ICC is not all about justice. ICC is about control. They are not after justice, they are about controlling all the member nations of the ICC,” ayon kay Dela Rosa.
Nanindigan naman si Casiño, na ang pagbalik na ang pagbalik sa ICC ay makabubuti sa mga biktima ng kawalan ng hustisya sa Pilipinas: “Kailangan nating bumalik sa ICC dahil bulok ang sistema ng hustisya sa ating bansa at kailangang may ibang matatakbuhan ang mga biktima ng mga matitinding krimen sa ating bansa…. Kung mahirap ka, wala kang koneksyon, wala kang makukuhang hustisya, lalo na kapag ang katapat, ang nangbiktima sa iyo ay pulis, military, o kaya mataas na opisyal ng gobyerno.“
Nagbigay din ng kanilang mga posisyon ang mga kandidato patungkol sa mga pangunahing isyu sa pamamagitan ng YES o No placards.
Pagbalik sa ICC
YES: Arellano, Casiño, Castro, De Guzman, Espiritu, Mendoza, Ramos
NO: Bondoc, Dela Rosa, Martinez, Querubin, Rodriguez
Mandatory random drug testing sa mga halal, itinalagang public officials
YES: Arellano, Bondoc, De Guzman, Dela Rosa, Martinez, Mendoza, Querubin, Rodriguez
NO: Casiño, Castro, Espiritu, Ramos
Pagtanggal ng confidential at intelligence funds ng mga ahensiya na walang kinalaman sa intelligence gathering
YES: Arellano, Casiño, Castro, De Guzman, Dela Rosa, Espiritu, Mendoza, Querubin, Ramos, Rodriguez
NO: Bondoc, Martinez
Pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government (government arm na may mandato na bawiin ang ill-gotten wealth ng mga Marcos)
YES: Arellano, Dela Rosa, Mendoza, Querubin, Rodriguez
NO: Bondoc, Casiño, Castro, De Guzman, Espiritu, Martinez, Ramos
Pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ang kontrobersiyal na task force dahil sa malawakan na pagre-red tag sa mga kritiko ng gobyerno at aktibista)
YES: Arellano, Casiño, Castro, De Guzman, Espiritu, Mendoza, Ramos
NO: Bondoc, Dela Rosa, Martinez, Querubin, Rodriguez
Pagsasampa ng kaso laban kay Duterte (inirekomenda ng House of Representatives’ quad committee ang pagsasampa ng kaso laban sa dating pangulo para sa crimes against humanity)
YES: Arellano, Casiño, Castro, De Guzman, Espiritu, Mendoza, Ramos
NO: Bondoc, Dela Rosa, Martinez, Querubin, and Rodriguez
Pagpasa sa anti-teenage pregnancy bill
YES: Arellano, Casiño, Castro, De Guzman, Espiritu, Mendoza, Ramos
NO: Bondoc, Dela Rosa, Martinez, Querubin, Rodriguez
Parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa public officials na guilty sa corruption
YES: Arellano, Dela Rosa, Querubin
NO: Bondoc, Casiño, Castro, De Guzman, Espiritu, Martinez, Mendoza, Ramos, Rodriguez
Pagsasapubliko ng Publicizing of Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN)
YES: Arellano, Bondoc, Casiño, Castro, Dela Rosa, De Guzman, Espiritu, Martinez, Mendoza, Querubin, Ramos
NO: Rodriguez
More Stories
DOH: MGA PAARALAN MAARING MAG-HIRE NG NURSE, HEALTH EXPERT PARA SA SEX EDUCATION
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?
PCO NAGBABALA SA PUBLIKO VS SCAMMER