TIKLO ang isang dayong High Level drug suspect matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang suspek na si alyas “Jojo,” 48, construction worker at residente ng Parañaque City.
Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
matapos magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan.
Dakong alas-10:20 ng gabi nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU ang suspek sa Pinagpala Street corner Ortega, Brgy. Tonsuya, Matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang professionalism, dedikasyon at pambihirang pagganap.
More Stories
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD
TUMATAKBONG SENADOR UMABOT NA SA KALAHATING BILYON ANG GASTOS SA KAMPANYA (Pero laglag pa rin sa Magic 12)