SWAK sa kulungan ang isang mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng search warrant sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nahaharap ang suspek na si alyas ‘Tarajen’, 47, driver, sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Laws on Firearms and Ammunitions).
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap sila ng impormasyon na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang suspek.
Nang makakuha sila ng search warrant na inisyu ni Honorable Judge Jimmy Edmund G. Batara ng Malabon RTC, agad inatasan ni Col. Baybayan ang Malabon Police Sub-Station 4 na bumuo ng team para sa isasagawang pagsalakay sa bahay ng suspek.
Dakong alas-10:50 ng gabi nang simulan halughugin ng mga tauhan ng SS4 ang loob ng bahay ng suspek sa Sitio Gulayan, Sanciangco St. Brgy. Catmon, kung saan nakuha nila ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Ani police investigators PMSg Diego Ngippol at PSSg Bengie Nalogoc, walang naipakitang kaukulang papeles ang suspek hinggil sa legalidad ng nasabing baril.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD
TUMATAKBONG SENADOR UMABOT NA SA KALAHATING BILYON ANG GASTOS SA KAMPANYA (Pero laglag pa rin sa Magic 12)