MARUBDOB na ang isinasagawang training ng defending champion National University Bulldogs para sa susunod na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s baseball event na hahataw ngayong tag-araw.
Ayon kay NU Bulldogs head coach Romar Landicho, matapos ang mga isinagawang scouting ng talents sa countryside partikular sa mga palarong isinasagawa sa mga lalawigan kung saan ay tampok na event ang baseball ay may mga napili silang tuklas na manlalaro na ipapalit sa mga nag-graduate nang players na kasing-level ng husay na kailangan lang na fine tuning.
“Tuluy- tuloy na ang training namin. May mga naka-schedule kaming tune-up games sa iba’t-ibang teams. Randam ko ready na kaming idepensa ang aming kampeonato.Konting fine tuning na lang at adjustments,” wika ni Landicho.
Sinabi pa ng champion coach na determinado ang buong tropa ng Sampàloc batters mula players, coaches, trainers na tumalìma sa instruction ni Bulldogs team manager Wopsy Zamora na ‘go for back-to-back championship.
Hinubaran ng korona ng Bulldogs ang previous champion DeLa Salle University Archers noong nakaraang season ng UAAP men’s baseball 4-2 sa serye. (DANNY SIMON)
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD