Sa Pagdiriwang ng ika-3 anibersaryo ng Air Installation and Base Development Command sa pamumuno ni MGEN ANTONIO Z FRANCISCO JR PAF, ay nag-organisa ng Coastal Clean-Up Drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park, Freedom Island Trail sa Parañaque City noong Enero 18, 2025.
Nagsimula ang aktibidad sa isang simpleng programa na dinaluhan ng kagalang-galang na Senador Cynthia Villar kasama ang Deputy Commander AIBDC, BGEN GENARO C MENOR PAF, at mga pangunahing opisyal ng AIBDC. Kasama din sa nakilahok sa aktibidad na ito ay ang mga Reservist mula sa 1st Air Reserve Center (1st ARCEN) at miyembro mula sa Central Luzon Region 65 Eagles Club.
Tinatayang nasa kabuuang 151 na personalidad ang nakilahok sa nasabing cleanup drive, na layuning mapanatili ang kagandahan at ekolohikal na balanse ng Wetland Park. Sa tulong ng aktibidad na ito, patuloy na mapoprotektahan ang kritikal na tirahan ng wildlife species tulad ng mga ibon at iba pang mga hayop.
Matagumpay naman na nakolekta ng nasa 100 sako na basura sa nasabing aktibidad.
Ang AIBDC ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok para sa kanilang dedikasyon at ibinahaging pananaw sa pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng samahan at pagkakaisa, ang kanilang mga pagsisikap ay nag-aambag sa pagpapaunlad ng isang mas malinis, mas malusog na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD