NANAWAGAN si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa mga nagbabalak na umatras sa 2025 elections bago simulant ng Comelec ang muling pag-iimprenta ng mga balota susunod na Lunes.
Ito’y matapos personal na ihain ni Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos ang kanyang withdrwal mula sa senatorial race.
Una nang idineklara si Mangusin na nuisance candidate ng Comelec. Gayunpaman, naglabas ng temporary restraining order ang Supreme Court para baliktarin ang desisyon ng Comelec, para payagan siyang tumakbo sa May elections.
Kaya naman nanawagan si Garcia sa lahat ng aspirant na mag-file ng kanilang withdrawal mula Huwebes hanggang hapon ng Biyernes.
“Nanawagan po tayo sa lahat ng iba pang mga kandidato na gustong magwithdraw, nagnanais na hindi na tumuloy, gawin niyo na po agad yan habang ‘di po kami nag-iimprenta ng balota, habang may panahon pa,” ayon kay Garcia.
“Kapag nagwithdraw at naprint na, hindi na po tatanggalin yung pangalan at hindi na mag oorder ng reprinting. Kung sakali, ang mga boto na lang ay magiging stray doon sa mga nagwithdraw ng kandidatura,” dagdag ni Garcia.
More Stories
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?