SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to the Omnibus Election Code ang suspek na si alyas ‘Boy’, 47, ng Brgy. 12, Caloocan City.
Lumabas sa pinagsamang imbestigasyon nina PMSg Ernie Baroy at PMSg Michael Oben, nakatanggap ng impormsyon mula isang barangay informant ang Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang pagala-gala sa F. Sevilla Boulevard, Brgy. San Agustin dakong alas-11:55 ng gabi.
Kaagad namang pinuntahan ng mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Lt Jefferson Abuluyan ang lugar kung saan nakita nila ang suspek na may bitbit na baril.
Maingat na lumapit sa kanya ang mga operatiba sabay nagpakilala bilang mga pulis saka inaresto ang suspek at kinumpiska ang hawak niyang isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.
Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Acing Director P/Col. Josefino Ligan, walang na-ipresenta ang suspek na kaukulang mga papeles hinggil sa ligaledad ng nasabing baril.|
Hindi naman tinukoy ng suspek sa pulisya ang dahilan ng kanyang pagdayo sa lugar na armado ng baril subalit, hindi inaalis ng imbestigador na posibleng may hinahanting ito sa lugar na kaaway.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?