SWAK sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga nang madakma ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operatio sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Alvin”, 36, ng Hito St., Brgy. Longos na kabilang sa kanilang mga listahan bilang SLI pusher.
Nang tanggapin ng suspek ang P500 markadong salapi mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-12:30 ng hating gabi sa Dulong Roque St., Brgy. Tonsuya.
Ani PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa suspek ang nasa 10.9 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,120.00 at buy bust money.
Alas-4:15 ng madaling araw nang madakip naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din si alyas ‘Maru”, 20, ng Tondo Manila matapos dumayo pa umano sa Banana Road corner Chico St., Brgy. Potrero para magbenta lang ng droga.
Nasamsam sa kanya ang isang plastic sachet ng marijuana na tumitimbang ng 18.9 grams at nagkakahalaga ng P2,268.00 at dalawang vape device na naglalaman ng hinihinalang cannabis oil na may katumbas na halagang P14,420.
Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, umabot sa P90,808 halaga ng droga ang nakumpiska sa mga suspek.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Binata na wanted sa rape sa Valenzuela, arestado