ARESTADO ang isang tulak ng illegal na droga matapos pagbentahan ng halagang P3,000 na halaga ng shabu ang isang pulis na inakala niyang bagong suki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nagulat na lang si alyas “Marlon”, 46, residente ng Adelfa St. Brgy. Tanza, nang sumulpot ang mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na kaagad dumakma sa kanya matapos tanggapin ang markadong salapi mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Ayon kay Col. Cortes, isinagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-10:13 ng gabi sa Baywalk,Brgy. Tanza 1 kaugnay sa implementasyon ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), sa pakikipag-ugnayan na rin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Bukod sa ibinentang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, nakumpiska rin ng mga pulis sa suspek ang 57.69 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P392,292.00, pati na ng markadong salapi na kinabibilangan ng isang tunay na P500 at limang piraso ng P500 na boodle money.
Sinabi ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan na nasa kanilang Forensic Unit na ang nakumpiskang shabu upang isailalim sa chemical analysis habang sasampahan naman ng kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL