BUMABA ang crime rate sa Metro Manila ng 23.73% mula Nobyembre 2024 hanggang kalagitnaan ng Enero 2025, ayon kay NCRPO Director Police Brigadier General Anthony Aberin.
Ang pababa ng index crimes ay may kaugnayan sa pinalakas na presensiya ng pulisya sa mga pangunahing kalsada at komprehensibong pag-deploy sa mga tauhan nito sa mga high-risk area.
Bilang bahagi ng kampanya laban sa illegal na droga, nakumpiska ng gma awtoridad ang mga illegal na droga na nagkakahalaga ng P153,293,391 sa loob ng dalawang buwan.
Ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsugpo sa mga aktibidad na may kinalaman sa droga sa buong rehiyon.
Ang mga pagsisikap laban sa ilegal na sugal ay nagbunga rin ng makabuluhang resulta, na nagresulta sa pag-aresto sa 3,806 na suspek at ang pagkakakumpiska ng mga bets o taya na nagkakahalaga ng ₱928,071. Bukod dito, 364 na baril ang narekober sa mga operasyon na nakatuon sa mga lugar na crime-prone areas.
More Stories
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL
HVI tulak, tiklo sa P340K shabu sa Valenzuela