January 17, 2025

5M PINOY WORKERS NANGANGANIB MAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA AI, CLIMATE CHANGE

NANGANGANIB mawalan ng trabaho ang 5 milyong Filipino workers ngayong taon dahil sa artificial intelligence (AI) at climate change, ayon sa Federation of Free Workers (FFW) nitong Huwebes.

Ayon sa FFW, ito ay batay sa pagtataya ng International Monetary Fund (IMF) na 14% ng kabuuang lakas-paggawa sa Pilipinas ay nasa panganib na mapalitan ng AI maging ang pagkawala ng 2.3 milyong trabaho dahil sa mga epekto ng mga bagyo noong 2024.

“We assume that the job losses from AI would not happen in one go,” ayon sa FFW.

Natuklasan sa ulat ng IMF, na may petsang Disyembre 2024, na tinatayang 36% ng mga trabaho sa bansa ay labis na

Natuklasan sa ulat ng IMF, na may petsang Disyembre 2024, na tinatayang 36% ng mga trabaho sa bansa ay “highly exposed” sa AI. Sinabi nito na higit sa kalahati ay “highly complementary,” kung saan ang AI ay maaaring sumuporta sa halip na palitan ang mga gawain na isinasagawa ng manggagawa.

Gayunpaman, sinabi nito na para “low-complementary jobs,” 14% ng kabuuang workforce ay nasa panganib na mapalitan ng AI.

AI exposure varies by gender, with approximately half of all jobs held by women highly exposed, compared to a quarter by men,” nakasaad sa report.

Samantala, sinabi ni Julius Cainglet, FFW Vice President For Research, Advocacy, and Partnerships, na ang mga indibidwal na sinalanta ng bagyo ay maaaring muling maapektuhan.

“Talagang nangangailangan po ng maraming paghahanda kasi ‘yun pong nawalan ng trabaho sa agrikultura, dala pa lang po ‘yan ng mga super typhoon,” ayon kay Cainglet.

“Pagdating po natin ng end of February and March, expect po natin ulit ‘yung heat stress na na-experience natin last year,” dagdag niya.

Upang makapaghanda, sinabi niya na dapat nilang palakasin ang mga pagsisikap at makipag-ugnayan sa mga employer sa pamamagitan ng social dialogue.