Sinalakay ng mga otoridad ang isang pinaghihinalaang POGO hub sa isang resort sa Brgy. Lalaan 2 ng Silang Cavite, sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) Cavite Provincial Field Unit, Cavite Provincial Police Office sa pangunguna ni Acting Police Provincial Director Police Colonel Dwight Alegre, kasama ang Bureau of Immigrations at Presidential Anti-Organized Crime Commission at naaresto ang 23 Chinese Nationals at 6 na Myanmar nationals bandang 3:30 ng hapon nitong Miyerkules, Enero 15, 2025.
Ayon sa report na ipinadala sa opisina ni PRO 4A Calabarzon Police Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nag-ugat ang operasyon matapos na ireklamo ng isang resort owner ang ginagawang illegal POGO operations ng mga nangungupahang mga foreign nationals sa kanyang resort na nasa 50 hanggang 60 na mga nagpakilalang mga pawang Chinese at Korean Nationals na mayroon mga dala dalang mga computers, laptops sets at mga gambling paraphernalias.
Matapos na maberipika ng mga otoridad ang report ng nasabing may ari ng resort ay agad ng sinalakay ang nasabing lugar at naabotan ang mga dayuhan at inaresto ang mga ito saka kinumpiska ang mga nakuhang ebidensya.
Naibigay na sa kustodiya ng PAOCC ang mga nahuling dayuhan habang sinisimulan na ng Bureau of Immigrations ang deportation proceedings sa mga nakakulong na illegal foreign nationals. (KOI HIPOLITO)
More Stories
5M PINOY WORKERS NANGANGANIB MAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA AI, CLIMATE CHANGE
P3.7-M cellphones at gadgets nilimas ng 6 na magnanakaw sa Bacoor, Cavite
HIDILYN DIAZ PASOK SA PSA HALL OF FAME