Epektibo sa Enero 15, 2025, ang speed limit sa NAIA Expressway (NAIAx) ay itataas sa 80 kilometers per hour (kph) mula sa dating 60 kph.
Kasabay nito, ang speed limit sa straight sections ng Skyway Stage 3 ay itataas din sa 80 kph simula sa January 20, 2025.
Ang pagbabago sa speed limit ay resulta ng komprehensibong pag-aaral ng mga traffic safety manager ng SMC.
“This change will make travel on NAIAx and Skyway Stage 3 faster and more efficient for everyone. We have carefully studied this to make sure that it benefits motorists while prioritizing safety. This also complements the ongoing reconfiguration of exit plazas at NAIAx, which should allow for less congestion and help improve motorists’ experience on the expressway,” ayon kay SMC Chairman and CEO Ramon S. Ang.
Subalit iginiit ni RSA na patuloy na ipatutupad ang 60-kph speed limit sa mga kurbadang bahagi ng Skyway Stage 3 at NAIAx upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista na gumagamit ng dalawang pasilidad.
“This is to maintain safety, as we do not want to put any motorists at risk of accidents due to miscalculation or oversteering, especially where there are sharp curves, given the limitations to the design of both the NAIAx and Skyway 3,” dagdag ni Ang. (ARSENIO TAN)
More Stories
Bolts tinambakan ang NorthPort
DMW NAG-SORRY SA PAGPAPADALA NG MALING BANGKAY SA PAMILYA NG YUMAONG OFW
PUGANTENG CHINESE NAARESTO NG BI SA NAIA